Cabanatuan: Mga Sekretong Panghimagas

RED PIN GELATO AND PASTA: Sino nga ba naman ang mag-aakalang isang authentic na gelato o Italian ice cream ang tila bigla na lang sumulpot sa isang gas station sa Cabanatuan? Heto ang isa lamang sa mga sorpresang naghihintay sa Red Pin, na nagsilbing kitchen playground ni Big Daddy o Robert Bucy, isang Texan chef na naging close family friend ng pamilya ni Cerissa Cecilio-Soto, at nabighani sa ganda ng Cabanatuan.

DESSERTS CHALET: “Gusto naming dalhin yung European café experience sa Cabanatuan at sa Nueva Ecija na hindi naman kailangang gumastos ng sobra. Quality, fresh, home-cooked meals made with love,” panimula ni AJ Mallorca.

Sino nga ba ang mag-aakala na nasa Cabanatuan ka pa rin sa sandaling makita mo na ang napaka-cute na porch ng Desserts Chalet at salubungin ka ng nakakabighaning loob nito. Nangingibabaw ang malinis at puting interiors ng lugar na akala mo’y bigla kang na-transport sa isang French cafe.

CAKEWORKS: Mararamdaman mo agad ang debosyon ni Charrie sa baking kapag natikman mo na ang special sansrival niya na ipinagsamang crunchy at chewy habang sumisirit sa utak at panlasa ang butter-based na topping nito. Tulad ng pangalan ng pastry, wala talagang katulad ang alat-tamis at “utterly butterly” na sensasyon na dulot ng bawat kagat dito.

Tip: Hindi sasapat ang isang slice kapag nasimulan mo na ang pagkain ng sansrival ng Cakeworks, kung kaya’t imumungkahi naming bilhin ang buong cake at magtabi na rin ng para sa sarili bago isiping ibahagi ito sa mga kaibigan o kapamilya. Ang mahalaga, hindi ka mababaliw sa kahahanap ng isa pang slice dahil siguradong magkakaubusan agad.

KUPCAKE AVENUE: Paano nga bang di mahuhulog ang puso mo sa isang cupcake na pinaghirapang gawin at tumanyag dahil sa napakasarap na red velvet chocolate base nito? Paano mo ring tatanggihan ang isang Oreo cookie na humalo pa sa isang oven-baked cheesecake cookie at nagmistulang “cookie on a cookie”?

Dalawa lamang ito sa mga sorpresang cupcake and cookie creations ni Karylle ng Kupcake Avenue. Pero sa cookie pa lang, ang nakatutuwa nang maalala ang unang pagdunk namin nito sa isang baso ng gatas at sariwain ang mga panahong maliliit pa lamang kami nang unang madiskubre ang salamangka ng cookies and milk. Sarap!

BAKE CENTRAL: “Cabanatuan bakers’ paradise.”

Nagsisimula ka mang matuto ng baking, isa nang ekspertong baker o nagpapatakbo ng bakeshop sa Cabanatuan, magmimistulang isang paraiso sa ‘yo ang Bake Central na kung saan ang mga pinangarap mong sangkap, gamit at kaalaman para sa pag-bake ay nasa isang bubong lamang. “One-stop shop” ekanga, at ito ang layon ni Ms. Cherry Mae Interior nang simulan niya ang pagpapatayo ng Bake Central nitong Abril, 2014.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s