Alamat ng Buriquito

AT ILAN PANG MASASARAP NA PUTAHE SA CABANATUAN

ANG BAKUD AT SI TITO BETO: “Kung tutuusin, dapat naman iisang resulta lang ang kahihinatnan ng isang lutuin kahit sino pa ang nagluto. Parehong sangkap at putahe, parehong paraan ng pagluto at sa parehong lugar at sitwasyon. Pero ang misteryo nito, iba talaga ang kinalalabasan eh. Puso kasi ang sekreto. Dapat may pagmamahal ka sa ginagawa mo.”

Ang sarap kausap ni Beto Manigao o “Tito Beto” kapag nagkagaangan na kayo ng loob, ang haligi at nagsimula ng Bakud, ang pitong-taong gulang na sekretong restobar o tambayan at kainan ng mga artists, free thinkers, expats at may pagmamahal sa masarap na pagkain. Low profile ekanga pero sinumang umapak dito ay nagugulat sa mga natitikmang pa-sampol ni Tito Beto at ng kanyang anak na si Rocky.

THE PATIO PASSION @577: Isang katuparan ng pangarap. Isang pagbubukas sa publiko ng isang pribadong paraiso. Isang pagpapamalas ng talento sa pagluluto. At isang pamamahagi ng mga kuwento at kaalamang nagmula pa sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Ilan lamang ito sa kumakatawan ng The Patio@577, isang konseptong restoran na nagsimula bilang kolaborasyon sa apat na magkakaibigang propesyonal. Habang nasa ibang bansa ang may-ari ng bahay na kung saan binuksan ang kalahating bahagi nito upang maging The Patio, isa naman sa kanila ang nagsilbing puso at siyang nagpamalas ng kanyang galing sa pagluluto.

 

CABANATUAN MARKET DAY: Kasabay ng paggising ng mga Cabanatuenong nag-eehersisyo sa Freedom Park ang siya namang hudyat ng merkato sa pamilihang bayan ng Cabanatuan. Araw-araw, ang mga bagong huling isda, sariwang prutas, gulay, karne at mga pangunahing binibili ng taumbayan ay isa-isang nag-uusbungan kasabay ng mga matatamis na ngiti ng mga nagtitinda.

Hindi rin pahuhuli ang mga bagong lutong pansit, mga lutong agahan at kakanin, barbecue sa Mayet’s at iba pang kilalalang tindahan, at mga serbisyong tulad gupitan, sastre at iba pa. Hindi maipagkakailang tunay na simbolo ng pag-unlad ng bayan at ng buhay na komersyo ng Cabanatuan ang dala ng pamilihang bayan nito, kaya’t alas cuatro pa lamang ay nagsisimula nang mamili ang mga Cabanatueno bilang pagsabay nito sa masayang ritmo ng araw-araw na buhay.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s