Fiesta

“Grabe, ang init naman dito! Puro trapik pa,” sabay bunot sa kanyang Kleenex na amoy-imported pa.

Kararating lang ni Lhenz galing Tate, at as usual, angal at walang humpay na reklamo ang pasalubong niya sa aming barkada. Nang iwanan namin ang masalimuot na hintayan sa Ninoy Aquino International Airport, pagka-load namin ng mga Louise Vuitton niya ay ihaharurot na sana ni Dong ang kanyang RAV4. Ang kaso, may mga nag-i-strike sa NAIA. Ang mga piloto ng PAL. Ded-ma lang si Dong at focused sa gear, accelerator, at sa kumukulo na niyang tiyan. Ded-ma rin kami. Isip namin, ano ka ngayon, Lucio Tan?

“So, how’s LA?” bungad ni Dencio, ang manunulat sa grupong inabandona na ang rebolusyonaryong pluma at papel upang maging negosyante sa Davao.

“Ayun, an’daming Pinoy!” Tonong asar.

“Eh, ayun naman pala, eh bakit homesick ka pa rin?” Kontra-asar.

 

“Homesick? Who said that?” Defensive, as usual.

img_0094

“O sige, pababasa ko sa iyo uli ang mga email messages mo mamaya. Kasama pa ang mga phone bills.”

“At bakit nakatabi ang mga email messages ko? Sabi na nga ba’t may hidden desire ka sa akin eh.”

“Aba…” Tawanan at asaran ang grupo.

“O teka, teka, bago kayo magka-pikunan eh kain muna tayo,” salo ko agad.

“Ano nga ba’ng dala mo sa amin?” hirit ni Garry, kagagaling lang din ng Saudi one week ago.

“At ikaw, ano namang katas ng desyerto ang napiga mo para sa grupo? Carpet na naman ng mga asong nag-i-snooker?” banat ni Lhenz. Asaran na naman.

Inilabas ni Lhenz ang tigalawang litro ng Jose Cuervo at Absolut.

“Pagkain ba yan? Mamaya pa ang mga bote pagdating kina Mama G,” bulalas ng lahat. Gutom na talaga.

img_0549

Nakawala na rin ng NAIA ang sumundong grupo at ragasa sa kung saan naghihintay na sa hapag-kainan sina Shiela, Joemil, Edel at Neil. Kasama rin nina Neil at Joemil ang mga asawa nila; Si Antonette at si Glenda, respectively. Nagmamaka-awa na rin ang kare-kare, rellenong bangus, adobong baboy, tinolang manok, nilagang baka, lumpiang sariwa, at lechon de leche na kalahating oras nang nag-aabang ng ngunguya sa kanila. Buti na lang at nasa food warmer lahat.

“Wala bang pate?” angal (na naman) ni Lhenz.

“Iyong adobo, may liver. I-mash mo na lang,” sumbat ni Dong. Tawanan lahat, pamikon.

“Hhmmpp…wala pa rin talaga kayong na-acquire na taste after all those years ninyo sa ibang bansa,” loko ni Lhenz, sabay taas ng kilay.

“Hoy!” biglang pasok ni Mama Gina, “Ako ang nagpahanda ng mga iyan, aba’t may reklamo?” Sigawan ang lahat, beso-beso pagdating ng paborito nilang Mama.

Chikahan galore. Kuwento sina Joemil at Shiela tungkol sa sitwasyon sa US. Ilang Vegas na raw ang biniyahe nila dahil sa mga makukulit na bisitang mga kaibigan at kakilala na ang akala pa rin ay may gintong naghihintay sa ‘merika sa kabila ng Trump crisis.

“Aba, basta ako, hindi ako apektado niyan,” bida ni Neil, ang six-figure earner sa grupo.

“Ang yabang talaga nito,” banggit ng asawa niya. Tawanan na naman.

Walang imik si Garry nang tanungin tungkol sa Saudi. “Masyado ka namang symbolic sa kaburuhan mo dun, pare,” asar ni Dencio na galing na ring desyerto at ayaw nang bumalik.

“Teka, teka,” singit ni Mama Gina, “alam ‘nyo ba kung bakit Pinoy foods tayo ngayon sa ating reunion?”

“Siyempre, expats tayong lahat, kaya sabik tayo sa halo-halo, bagoong, mangga,” hirit ni Garry.

“Ang galing mo talaga, kid! Puwede kang mag-artista niyan ah, sabay takbo sa eleksyon,” asar ni Dencio uli. Tawanan ang grupo.

 

img_0400

“Ang totoo niyan,” si Mama Gina uli, “nagkataong selebrasyon ng National Heroes’ Day ngayon…”

“Aba eh dapat pala naka-Superman costume ako?” biro ni Joemil. Paborito niyang character si Superman hanggang mouse pad. Binatukan siya ni Glenda.

“Ako, Son Goku!” seryosong hirit ni Garry.

“Sosyal, Japanese anime pero ang gintong necklace niya, ang bigat,” asar ni Lhenz.

“Di na natin kailangang mag-costume actually,” si Shiela, feeling serious, “From the first Philippine Revolution nina Dagohoy, Rizal, Bonifacio to our modern-day heroes like Ninoy Aquino, Lean at Jopson, tayong OFWs na ang bagong heroes ngayon. Kaya tumpak si Mama G, araw natin ito. Mabuhay!” Palakpakan at yehey.

“Ang ibig mong sabihin, Shiela, matatapos sa ibang bansa ang pinaglaban ng mga ancestors natin sa sarili nating lupa?” tanong ko.

“Bakit? Akala mo ba, tayo pa ang may-ari ng Pinas? Punta kang Makati kung hindi ka maligaw pag sinabi mo lang na Ayala. Dapat may Corporation, Avenue, Boulevard, Shopping Center,” sabak ng kapitalista ng Davao.

“Ako, ang alam ko, gutom na ako kanina pa ha kaya atakihin na natin ang heroes’ day food na sinasabi ‘nyo please,” ani Dong.

“Oo nga, fiesta na!” chorus ng lahat.

Kawawang mesa.

Ilang araw pagkatapos, ilang milyon pa rin ang walang trabaho, ilang bilyong dolyar ang nadagdag na utang ng Pilipinas, 49-pesos na ang katumbas ng isang dolyar ng US, 8,000-plus na ang napatay na mahihirap na Pilipino dahil sa drug war, at prinoklamang presidente ang isang boksingero.

Pabalik sa Singapore sina Mama Gina, Edel at Neil. Balik-Saudi naman si Garry. Lipad-States ako, kasama sina Lhenz, Joemil, Shiela at Dong. Sumama na rin si Dencio. Iniwan ang lupain sa Davao, wala daw negosyo sa Pilipinas, bukod sa saging para sa mga Intsik.

img_0097

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s