Pamana

Na narito at bahagi ka ng kasalukuyan mula sa ipinaglaban ng mga bayani ng kahapon, magdiwang ka, Pilipino.

Hindi madali ang kumawala sa apat na raang taon ng pang-aalipin sa mga dayuhan. Hindi biro ang busalan ka ng krus, espada, edukasyong huwad, bala at garote habang matiwasay na namumuhay sa piling ng mga mapag-arugang magulang, ng mayamang kagubatan at mga isla.

Kaya’t umalsa ka sapagkat nasa dugo mo ang maghangad ng tunay na kalayaan. Imbes na sumuko na lamang sa mga mananakop ay ginamit mo ang iyong puso at pinanday ang utak. Sa krus ay natutunan mo ang kahangalan at hipokresya ng mga mapagpanggap na santo, ngunit kinarangal mo rin ang mga bayaning paring sina Gomez, Burgos at Zamora. Sa hagupit din ng espadang sumakop sa iyo isinilang si Lapu-Lapu.

162862_1675748327236_1043289475_1810583_809703_n

Pilit mang binubura mula sa utak mo ang mayayamang berso at tugtog ng iyong mga ninuno, hindi sila nagtagumpay sapagkat ang mga ito’y hele at tibok ng iyong puso. Bukod ay nadagdagan lamang ang repositoryo mo ng mga bagong bugtong at kanta, at ginamit mo ang mga ito laban sa kanila. Binuhay mo ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo at naghudyat sa iyong Jose Protacio Rizal, kasabay ng iba pang mga sulatin at bayani na nagpaliyab sa mithiin mong Rebolusyong Pilipinas.

At naroon ka, kapit-bisig sina Andres Bonifacio, Gabriela Silang, Macario Sakay, Dagohoy, at iba pang Pilipino sa pagpapalaya ng Luzon, Visayas at Mindanao. Hinarap mo ang kanyon at riple katabi ang mga magulang, anak, kaibigan, kapwa-Pilipino. Dahil hindi ka payag na magapi ang iyong Inang Bayan at ang kanyang kalayaan.

Ngunit ipinagsanggalang ka ng ibang mga kasabwat ng mga kalaban at ibinenta ang iyong kalayaan, ang iyong rebolusyon.

img_0065

Isandaang taon pagkatapos, kalayaan nga ba ang iyong nakamit? Kung gayon, bakit may mga Ninoy Aquino, Edgar Jopson at Lean Alejandro pa rin na dapat tugisin habang itinataguyod nila ang iyong kabayanihan? Bakit may mga Macli-ing Dulag na nagbuhos ng buhay para sa pagpapalaya ng sarili nilang lupa?

Bakit din nasa ibang bansa ang ngayo’y ipinangangalandakan mong mga bagong bayani habang dumadaing ng trabaho, bahay, at pagkain ang mga nasa sarili mong teritoryo?

Bakit bala pa rin ang iniharap mo sa mga magsasaka gayung ang isinisigaw nila ay lupa, lupa, lupa?

Bakit bulag ka pa ring nais ibalik ang mga dati’y nagpahirap na’t kumamkam sa yaman ng mga nagbuhos ng buhay, dugo at pawis? Ang mga ito ba ang pamana ng ating lahi sandaang taon pagkatapos?

Na narito at bahagi ka ng kasalukuyan mula sa ipinaglaban ng mga bayani ng kahapon, gumising ka, bagong Pilipino.

img_2026

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s