Dahil Kailangan

“Wala akong choice, kailangan ng pera. Iniwanan ko sa pangangalaga ng isang nurse ang nanay ko, bulag na kasi siya. Heto’t nag-aalaga naman ako sa ibang bansa ng isang paralitikong di ko kilala. Kailangan eh.” — Selya, 26, isang domestic helper

Isang silip lang

sa gunita ang harana’t kilansing
ng bayang mahal

sa gitna ng mga dagundong
ng banyagang lupa

(huwag lang bumagabag sa alaala
ang mga multo ng diyaryo’t pulitika)


Isang ngiti lang

at balik-tanaw ang katumbas
ng bawat kalyo’t alipusta

at sa kabilang linya ng telepono’y bubulong
ng “’Nay, kumusta na kayo? I miss you.”

(basta’t di alintana ang pagod, insulto
at pagpapabaya ng mga nasa gobyerno)


Isang patak lang

ng isang maraming araw pa
matuyo ma’y bakas pa rin

ngunit patuloy ang pagkayod
anurin man sakunsaan

dahil kailangan
dahil kailangan

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s