Upos

at kumatok muli, malakas, walang hinto
ang matabang usurero sa lawanit na pinto
aba’y hoy! huwag ‘nyo akong pagtaguan
mahaba pa sa riles ng tren ‘tong utang ‘nyo

kamakalawa’y may ngalan pa, hoy! na lang ngayon
sa ingay nagkamalay ang panganay at ang sanggol
sa lugmok na mga mata’y pilit nagsusumamo
walang tinig ngunit lumalatay ang bulong
‘tay, nagugutom na ‘ko, gutom na ‘ko

7025

busugin natin sila mamaya, mahal, isang halik pa
sa isang kahapo’y mga paslit na nangarap lumaki

may sindi pa ang kandila, naghihingalo
malinis din ang silid, wala nang gamit
bukod sa taling tatapos sa kahihiyan ko
patawarin sana ako, wala nang ibang gagawa

o magagawa pa

mamaya, wala pa ring magbubukas ng pinto

2016-philippines-human-rights-violations

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s