Paalam

Alam ko namang hindi mo na hahanapin pa
ang bawat pahinang naglaman
ng sinuyod na damdamin
at itinahi upang maging tula

Hayaan mo na lamang ang abang hibang
ay maglingkod sa hangin
ng kanyang pamamaalam

Pahintulutan mo sana’t
Kahit saglit ay sulyapan —

Di sukat akalaing
maputol ang ugnay
Isang iglap na pagpapasya
Ngayo’y tulala
Di na mapakali

Ligalig pa rin ba ang puso
sa kabila ng di-na-mabilang na mga taon?

Kung dati’y isang bus ang layo
ngayo’y eroplano na ang gumitna
Isinara na rin ang puso
na dati’y tuluyan sa tuwina

At lumamig ang halik
Tumabang ang alak
Kumipot ang dibdib
na dati’y hingahan ng luha

Malungkot na rin ang mga mata
Ninakaw ang ningning nito
ng berdugong panahon

Kung dati’y nababaog tayo
sa kahihintay sa isa’t isa
Patawad ngunit ngayo’y
tuyot na ang lupa
di lamang dito sa disyerto
kundi sa pagitan natin

img_0275

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s