#NaDuterte

Hayaan mong dumaloy ang dugo sa katayang bayan
At iabot ang pardon at porsyento ng berdugong parak
Pangkain mamaya sa kanyang mga asawa’t anak.

Ibulatlat ang tsismis sa gahamang midya
Pekeng integridad, pa-almusal sa madla
Bayad bago buga at buka ng bawat basura.

Ilubog mo silang muli sa utang mula sa Tsina
Sabay pasabog ng negosyante: Golden Age narito na!
Yun nga lang, sa bulsa lamang ninyong dalawa.

Igisa mo sila sa moro-morong bakbakan at terorismo
Dahil malaki ang kita sa Martial Law, ligtas-kalaboso
Basta’t busalsalan ang Senado, Hustisya at Kongreso.

At mangako kang muli, ikaw na kanilang Poon ng Pag-asa
Ano nga ba naman ang limang maraming taon pa?
At iwan mo muli silang nganga, #NaDuterte na naman sila.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s